
Binawi ng Court of Appeals ang desisyon ng mababang kapulongan ang tungkol sa pagkakaabsuwelto ni Leila de Lima sa kanyang kaso. Ang tanong ngayon ay kung pwede bang arestohin at makukulong pa ba si Leila de Lima? Ang sagot ay Oo! Kung ang desisyon ng Court of Appeals (CA) ay naging pinal at may bisa na. Ibig sabihin, hindi na ito maaaring i-apela maliban na lamang kung ito'y iaakyat sa Korte Suprema at magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO.
Ang pagbaligtad ng desisyon ay muling binubuhay ang kasong kriminal, na nangangahulugang siya ay muling itinuturing na "akusado sa paglilitis."
Dahil ang mga kasong may kinalaman sa droga ay karaniwang hindi pinapayagan ng piyansa, at kung walang bagong aplikasyon para sa piyansa na mapagbibigyan, maaari siyang muling arestuhin at ikulong habang nagpapatuloy ang paglilitis.
Subalit ang muling pag-aresto ay hindi awtomatiko hangga’t hindi pa natatapos ang mga kinakailangang proseso. Kailangang maging pinal ang desisyon ng Court of Appeals (CA), o ipatupad ito ng mas mababang hukuman.
Maaaring maglabas ng warrant of arrest ang trial court, maliban na lamang kung kusa siyang sumuko.
Maaaring iakyat ng kanyang mga abogado ang kaso sa Korte Suprema at humiling ng TRO (Temporary Restraining Order) upang mapigilan ang muling pag-aresto.
Maaaring maghain ng piyansa ang akusado, ngunit hindi ito awtomatikong maaaprubahan. Sa mga kasong may kinalaman sa droga, pinapayagan lamang ang piyansa kung ang ebidensya ng pagkakasala ay hindi matibay.
Kung muling bubuhayin ang kaso, maaari siyang muling mag-aplay para sa piyansa, ngunit kailangang magsagawa ng pagdinig ang korte upang matukoy kung gaano katibay ang ebidensya bago magpasya kung papayagan o hindi ang piyansa.
Dapat bang dalhin sya sa kulungan ngayon? Sa ngayon, siya ay malaya dahil sa naunang pagpapawalang-sala. Ngunit kapag naipatupad na ang desisyon ng Court of Appeals (CA) at walang umiiral na restraining order, maaari — at malamang ay — muli siyang maaresto, makulong, at kailangang muling mag-aplay para sa piyansa.
Kung magsusumite ang kanyang kampo ng mosyon sa Korte Suprema at magpalabas ang SC ng TRO, maaaring maantala ang muling pag-aresto.
Subalit ang nakapagtataka ay April 30, 2025 pa ibinaba ng Court of Appeals ang desisyon subalit ngayong araw lang May 15, 2025 lumabas ang balita. Kaya naman ay palaisipan sa ating mga kababayan kung bakit ngayong araw lang ito lumabas gayong ang tagal na pala nito ibinaba ng Court of Appeals.