Sunday, June 8, 2025

Apat na ICC Judges, nadale sa “friendship cancelation” ni Trump—na-unfriend IRL!


Isa sa mga nabiktima? Si Judge Reine Adelaide Sophie Alapini-Gansou from Benin—kasama sa Pre-Trial Chamber na humahawak ng case laban kay former President Rodrigo Duterte. Bigatin!


Pero bago kayo mag-react sa “freeze order” ni Trump, kailangan muna nating himayin ang SWIFT system. Mga friendships, let me spill the financial tea!


Ang SWIFT (Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication) ay parang exclusive Viber group ng mga bangko sa buong mundo—pero may pa-encryption at wala kang pwedeng iscreenshot! Hindi siya yung nagpapadala ng pera mismo, girl. Siya lang ang taga-sabi kung kanino, magkano, at saan ipapadala.


Parang ganito:


🗣️ “Hoy, Bank A! Pahugot ka naman ng $1M, ibalato mo kay Bank B sa Germany!”


So basically, si SWIFT ay Marites ng international banking, pero may ethics.


Now, let’s go back sa freeze order. Kapag ikaw ay tinamaan, sorry na lang pero:


❄️ Frozen ang bank accounts mo—walang ATM, walang transfer, wala ring online shopping. Parang pinasok sa freezer tapos sinimento.


🚩 Red flag ka na sa buong financial world. Kahit ibang bansa, umiwas sayo parang ex mong may utang.


🚫 Goodbye, U.S. visa. Kahit pa may anak kang magga-graduate sa Harvard o may pasyal lang sa Disneyland—blocked ka, sis.


💔 Reputation? Shattered! Kahit wala ka pang conviction, parang tinag ka na sa "scammer alert" ng buong mundo.


👪 Kasama ang pamilya at business friends sa chika, lalo kung may joint account. Pwedeng maimbestigahan din sila—kumbaga, collateral damage ang peg.


Sa madaling salita, parang na-COVID ang savings mo—na-quarantine agad kahit asymptomatic.


At ang twist? Hindi kailangan ng approval ng ICC o UN. Under the U.S. Executive Orders at Global Magnitsky Act, pwede kang i-silent sanctions kung ikaw ay:


Mahilig sa corruption


May “passion” sa human rights abuses


O certified justice blocker


At dahil hawak ng U.S. ang dollar system, hindi nila kailangan magpadala ng sundalo. Isang freeze lang, tapos ka na. Parang subtle clapback with global consequences.


Kaya mga kapatid, wag basta-basta gumawa ng kalokohan—baka ma-SWIFTly sanctioned ka din.