Balak ng Apple na ilipat sa India ang pag-aasemble ng lahat ng iPhone na nakalaan para sa Estados Unidos simula sa susunod na taon, ayon sa ulat ng Financial Times na tumutukoy sa mga mapagkakatiwalaang source.
Ginagawa ito ng tech giant dahil sa tumitinding tensyon sa kalakalan sa pagitan ng US at China, kaya pinabilis nila ang plano sa pag-diversify ng kanilang supply chain.Layunin ng hakbang na ito na ganap na ilipat sa mga pabrika sa India ang produksyon ng mahigit 60 milyong iPhone na ibinebenta taun-taon sa US, bago matapos ang taong 2026.
Ito ang pinakamalaking pagbabago sa produksiyon ng Apple sa loob ng maraming dekada at bahagi ng kanilang patuloy na pamumuhunan sa India.
