Noong mga nakaraang araw, naging emosyonal si Sharon Cuneta habang ipinagtatanggol ang kanyang asawang si Atty. Kiko Pangilinan, na tumatakbo bilang senador sa darating na halalan. Sa isang press conference sa Quezon City, tinanong niya ang publiko: “Bakit po ba ayaw n’yong iboto si Kiko? Ano po ‘yung mga doubts ninyo?”
Ayon kay Sharon, labis siyang nasasaktan sa mga kumakalat na pekeng balita at disinformation laban kay Kiko, na aniya'y may layuning sirain ang reputasyon nito. Binanggit niya na kahit maganda ang intensyon at tapat ang puso ni Kiko, natatalo pa rin ito ng fake news at ng malalaking budget ng ibang kandidato.
Ipinahayag din ni Sharon na wala silang yaman na nakuha mula sa politika at lahat ng kanilang tinatamasa ay bunga ng kanilang pagsusumikap. Aniya, si Kiko ay isang mabuting asawa at ama, at ang kanilang pamilya ay may matibay na prinsipyo at integridad.
Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang kanilang kampanya at panawagan sa publiko na suriin ang katotohanan at huwag basta-basta maniwala sa mga maling impormasyon. Maraming personalidad mula sa industriya ng entertainment ang nagpahayag ng suporta kay Kiko, kabilang sina Iza Calzado, Judy Ann Santos, at Donny Pangilinan.
