Gov. Gwen Garcia, Sinuspende umano ng Ombudsman—Isyu ng ‘Illegal Permit’ sa Gitna ng Halalan
Ayon sa ulat, nahaharap si Garcia sa mga kasong grave abuse of authority, gross misconduct and negligence, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service. Kaugnay ito ng pagpapalabas niya ng special permit sa Shalom Construction Inc. noong Mayo 2024, na umano’y ginawa nang walang kaukulang Environmental Compliance Certificate (ECC) o Certificate of Non-Coverage (CNC) mula sa DENR.
Nakasaad din sa reklamo na hindi nagkaroon ng sapat na konsultasyon sa mga kaugnay na ahensya ng gobyerno bago ilabas ang nasabing permit.
Ang isyu ay lumutang isang linggo matapos makipagpulong si Garcia kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang gobernador sa Visayas. Tinatayang may higit 3.7 milyong rehistradong botante ang Cebu, na isa sa mga pinakaimportanteng lugar sa darating na eleksyon.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Gov. Garcia o sa Ombudsman ukol sa nasabing kautusan.