Inanunsyo ni Jamila Ruma, panganay na anak ng pinaslang na alkalde ng Rizal na si Mayor Joel Ruma na ipagpapatuloy niya ang kandidatura ng kanyang ama bilang alkalde sa darating na halalan.
Ang anunsiyo ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng kaarawann sana ni Mayor Ruma ngayong Martes, Abril 29, 2025 matapos itong makapagsumite ng mga kaukulang dokumento sa Commission on Elections (COMELEC)-Rizal.
Matatandaan na pinaslang ang alkalde noong Abril 23, 2025 habang nangangampanya sa Iluru, Rizal, Cagayan.
Sa isang public Facebook post, ibinahagi ni Jamila ang kanyang saloobin sa nangyaring insidente, kung saan personal niyang nasaksihan ang karumal-dumal na pagbaril-patay sa kanyang ama na ayon sa kanya ay isang trahedyang hindi kailanman mabubura sa kanyang alaala.
"Daddy, we still cannot accept the fact that you are gone now. Words cannot describe how much we are hurting. We are still in shock, but we are trying to stay strong because we know that’s what you would want us to do," pahayag ng batang Ruma.
Hiinikayat din niya ang publiko na patuloy na ipanalangin ang kanilang pamilya at ang hustisya para sa kanyang yumaong ama.
Samantala, si Jamila ay 21 taong gulang na itinuturing ngayong pinakabatang mayoralty candidate sa lalawigan ng Cagayan. Katuwang nito sa pagtakbo ang kanyang ina na si Atty. Brenda Ruma na tatakbo muli bilang bise-alkalde ng naturang bayan. (JOVY ANDRES)
video: Ruma Malakas FB