Wednesday, April 30, 2025

Paano Makaiwas sa Dayaan ngayong May 12, 2025 sa Pilipinas?



Sa araw ng eleksyon, mahigpit naming ipinapaalala sa lahat ng mga BEIs at iba pang election officials na bago pa man simulan ang transmission ng election results, kinakailangang tiyakin muna na walang anumang USB modem o Starlink Ethernet cable na nakakabit sa likod ng makina ng Automated Counting Machine (ACM). 


Kung sakaling makita ninyo na may nakakabit na ganyang uri ng koneksyon bago pa man mag-print ng Election Returns, ay agad itong ipatanggal o tanggalin mismo, sapagkat ito ay kumakatawan sa internet connection. Ang paglalagay ng transmission device tulad ng USB modem o Starlink router ay pinapayagan lamang matapos maprint ang Election Returns, alinsunod sa opisyal na panuntunan ng COMELEC.


Ito po ay nakasaad sa LEGAL BASIS ng COMELEC RESOLUTION No. 11098, Annex B – Automated Counting Machine (ACM) Procedures, Step 9 ng mga proseso sa Araw ng Halalan, na makikita sa pahina 15 ng nasabing dokumento:


"Step 9. The ACM will display the message 'Do you want to transmit?', insert the modem into any available USB port on the back of the ACM, or connect it to the Ethernet port if the allocated transmission device is the Starlink router."


Mahigpit pong ipinatutupad ito ng COMELEC upang matiyak ang integridad ng halalan at maiwasan ang anumang uri ng unauthorized access o premature transmission. Sundin po natin ito para sa isang malinis, maayos, at mapagkakatiwalaang halalan.