Monday, May 26, 2025

Bong Revilla, Maghahain ng Kaso: 'Hindi Ako Natalo, Na-chismis Lang Ako!


Cavite, Pilipinas — Hindi pa man natutuyo ang tinta ng halalan, heto na’t mainit pa rin ang balita: si Senador Bong Revilla ay nagbabalak magsampa ng kaso laban sa mga umano’y “keyboard warriors” na nanira sa kanya online. Aniya, “Kung hindi dahil sa fake news, siguro ako ngayon ang kumakaway sa entablado, hindi si Pareng Mayor.”


Ayon sa kampo ni Bong, hindi raw siya natalo dahil sa kampanya—natalo siya sa internet. Oo, hindi sa balota, kundi sa Facebook, X, at TikTok. “Napagod kami kakaboto sa sarili naming post,” kwento ng isa sa mga campaign staff niya, habang hawak ang isang cellphone na may basag na screen. “Pero ‘di kinaya ng algorithm!”


Mga Akusasyon:

  1. “Si Bong daw ay gumiling ulit sa entablado!” Eh kahit totoo, anong masama? Exercise ‘yon! Isa raw ito sa mga ginamit para batikusin siya, pero ayon sa fans niya, “giling pa lang ‘yan, wala pa ang buo niyang acting skills!”
  2. “Ginamit daw niya si Panday para makakuha ng boto!” Abay, eh ano ngayon? Legal naman ‘yun ah! Eh si Batman nga, ginagamit pa rin kahit paulit-ulit na natalo si Joker!
  3. “Napikon sa mga memes.” Isang viral meme ang nagsabing, “Si Bong, senador sa pelikula, extra sa Senado.” Di daw nakakatawa si Bong, pero sa totoo lang, ‘yung meme ang bumoto sa sarili niya limang beses.


Balak ni Bong magsampa ng kasong cyber libel sa mga nagpakalat ng “malisyosong impormasyon” online. Pero ang tanong ng marami: Paano malalaman kung sinong netizen ang nang-chismis kung lahat ay naka-profile pic ng pusa?


Nagbabala si Bong, “Hindi ako artista rito, ako ang bida. At sa pelikulang ito, ang kalaban: ang fake news!” Samahan pa ng dramatic background music mula sa Agimat soundtrack.


Reaksyon ng Publiko Mixed reactions, syempre. May ilan na natuwa:

“Go Bong! Labanan mo ang mga bashers, para sa mga giling pa more!” – @MaritesNgBayan


Pero may mga kontra rin:

“Kung natalo ka, baka naman hindi sa chismis. Baka gusto ng tao ng bagong script.” – @RealTalkLang2025


Sa Dulo ng Lahat...Ang tunay na tanong: Kung sakaling manalo si Bong sa kasong ito, pwede na rin bang kasuhan ang mga kaibigan nating ghost voters na nagseen-zoned sa group chat noong kampanya?


Bong Revilla might’ve lost the election, but one thing’s for sure — sa laban ng katotohanan at kalokohan, hindi pa siya tapos. Abangan ang susunod na kabanata… o kaso!


Writer’s note: Hindi po ito sponsored post ng kahit sinong politiko. Wala po kaming talent fee—pero kung may libreng pandesal, why not?