Ayon kay Congresswoman Atty. Gerville "Jinky Bitrics" Luistro, hindi dapat tawaging “buwaya” ang Congresswoman ng 2nd District ng Batangas. Aniya, ang naturang kongresista ay tapat na naglilingkod at masigasig na ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng distrito, alinsunod sa tiwala at mandato na ibinigay sa kanya ng taumbayan.
Tungkol naman sa mga kinakaharap na kasong isinampa laban sa kanyang asawa—na ayon sa kanya ay pawang peke at gawa-gawa lamang—ipinaliwanag ng Congresswoman na ang abogadong may hawak ng kaso ay si Atty. Nilo Divina ng Divina Law Office, kasama ang dalawa pa niyang matagal nang kaibigan na sina Atty. Johnny Magboo at Atty. Bong Panganiban.
Kung sakali man daw na siya ay may pagkakautang, buong pagpapakumbaba siyang nakikiusap na sana ay mabigyan siya ng pleading, entry of appearance, o kahit anumang dokumentong magpapaliwanag sa naging partisipasyon ng Mans Carpio Law Office (Asawa ni VP Sara Duterte) sa naturang mga kaso. Aniya, handa siyang unawain ang kanyang obligasyon at ayusin ito sa tamang paraan.
Humihingi siya ng paumanhin kung may hindi siya nauunawaan. Ngunit giit niya, kung tunay na may P9 milyong pagkakautang, ay marapat lamang na may dokumentasyong nagpapatunay dito. Aniya, wala man lang entry of appearance o pleading, kaya’t mahirap unawain kung saan ibinabatay ang sinasabing utang na ito.
Nilinaw rin ng Congresswoman na ang kanyang mga pahayag ay hindi para sa pansariling interes, kundi bilang tugon sa naging mga pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte sa mga nakaraang araw. Aniya, tungkulin niyang ipagtanggol ang dangal at pangalan ng kanyang mga kababayan sa ikalawang distrito ng Batangas.
Sa huli, taus-puso siyang nagpapasalamat sa patuloy na nag-aalab na suporta ng kanyang mga kababayan. Aniya, makakaasa ang taumbayan na lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang serbisyo. Sa muling pagtitiwala sa kanya, lalo niyang pagsusumikapang maging isang matapat, masipag, at mahusay na lingkod-bayan—isang kinatawan ng mamamayan, tagapagtanggol ng kabataan, at kampyon ng mga magulang.