Sunday, May 11, 2025

PDP-Laban, opisyal na nag-endorso kina Sen. Imee Marcos at Rep. Camille Villar


Opisyal nang inendorso ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sina Senator Imee Marcos at Las Piñas Representative Camille Villar bilang bahagi ng senatorial slate ng partido para sa darating na 2025 midterm elections.


Sa isang pahayag mula sa pamunuan ng PDP-Laban, kinilala ng partido ang naging kontribusyon nina Marcos at Villar sa lehislatura, partikular sa mga panukalang batas na nakatuon sa ekonomiya, edukasyon, at kapakanan ng mga pamilyang Pilipino.


Ayon sa mga lider ng partido, ang karanasan ni Sen. Imee Marcos sa local governance at national legislation ay isang mahalagang asset sa Senado, habang si Rep. Camille Villar naman ay pinuri sa kanyang mga adbokasiya para sa women empowerment, entrepreneurship, at health services.


Inaasahan ng PDP-Laban na sa pag-endorso sa dalawang mambabatas, mas mapapalakas pa ang kanilang senatorial lineup na magsusulong ng plataporma para sa "pagpapatuloy ng reporma, kaunlaran, at serbisyo sa mamamayan."


Mula 6, naging 9. Tapos naging #DuterTen. Ngayon, kumpleto na — it's #DuterTwelve! Ang koponang may puso, prinsipyo, at tapang para sa bayan. Sama-sama nating ituloy ang laban para sa mas matatag na kinabukasan!