Ang libreng edukasyon ay nakabatay sa Republic Act No. 10931 o ang "Universal Access to Quality Tertiary Education Act" na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 3, 2017. Ang batas na ito ay resulta ng pinagsamang Senate Bill No. 1304 at House Bill No. 5633 — ibig sabihin, ito ay produkto ng parehong Senado at Kamara.
Dahil ito ay konsolidasyon ng dalawang panukala mula sa magkabilang kapulungan, hindi maaaring sabihing si Bam Aquino lamang ang may akda ng batas. Sa katunayan, kung susuriin ang Senate Bill No. 1304 ng 17th Congress, makikita na ang pangunahing awtor nito ay si Senator Ralph G. Recto, habang co-author lamang si Bam Aquino. Marami ring iba pang senador ang lumagda bilang co-authors. Kaya kung tutuusin, mas angkop sabihing si Bam Aquino ay nagsilbing sponsor ng panukalang batas sa Senado, ngunit hindi siya ang pangunahing may-akda.
Dagdag pa rito, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte lamang ang naging pangulo na tunay na nag-apruba, pumirma, at sumuporta sa batas na ito, sa kabila ng hindi lahat ng sumuporta rito ay kaalyado niya sa pulitika.
Hindi rin totoo na si Bam Aquino ang unang nakaisip ng panukala tungkol sa libreng edukasyon sa kolehiyo. Noong Agosto 24, 2015, si Rep. Sherwin Gatchalian ay nagsumite na ng panukalang batas ukol sa Free College Education, ngunit hindi ito naipasa noon dahil hindi pa sapat ang suporta mula sa administrasyon.
Noong 15th Congress pa lamang, mayroon nang Senate Bill No. 1732 na layuning gawing libre ang edukasyon sa kolehiyo, na inihain ni dating Senator Miriam Defensor Santiago noong 2010. Dahil sa kakulangan ng pondo, nilimitahan niya ang saklaw ng panukala sa Information and Communication Technology (ICT) courses. Ngunit tulad ng ibang panukala, ito rin ay hindi naipasa.
Mayroon ding House Bill No. 3837 na inihain ni Sonny Angara noong 2016, at marami pang kahalintulad na panukala na hindi rin naaprubahan sa mga nagdaang administrasyon dahil sa kakulangan ng suporta.
Kaya’t mali ang sabihing dahil lamang kay Bam Aquino kaya naisabatas ang libreng edukasyon sa kolehiyo. Marami nang naunang mambabatas ang nagtangkang ipasa ito, ngunit nabigo dahil sa kakulangan ng political will at pondo. Tanging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naging handang lagdaan, pondohan, at ipaglaban ito para sa kapakanan ng mga Pilipino — anuman ang kanilang paniniwalang pampulitika.