Thursday, May 1, 2025

Yanna Moto Vlog, Ipapatawag ni Cong. Bosita sa LTO

Yanna Moto road rage incident

Nagbigay na ng pahayag si Congressman Bonifacio Bosita hinggil sa isang insidente ng road rage na kinasasangkutan ni Yanna Moto Vlog. Kilala si Congressman Bosita bilang aktibong tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga motorista at rider sa Pilipinas.​


Bilang kinatawan ng 1-Rider Partylist, si Bosita ay nagsusulong ng mga imbestigasyon sa mga insidente ng pang-aabuso sa kalsada, lalo na kung sangkot ang mga opisyal ng gobyerno. Ito ang pahayag ni Congressman Bosita sa naturang insedente.


"Pinanood ko yung video tinapos ko. Rough road yung tinatahak nyo, hindi pwedeng bilisan masyado ng pickup yung takbo niya dahil matagtag yan at may mga unexpected na lubak na malalim. Pasensya na kahit pro-rider tayo, ang mali dito ay si babae, umovertake siya sa kanan na hindi dapat. Hindi rin niya ininform si driver ng pickup na gamit ang busina na oovertake siya. 


Ang problema blindspot yung overtake masyadong malapit o dikit na sa pickup kaya di na nakita ng driver. Ang malala pa dito si driver pa ang sinabihan niya na gumamit ng side merror, siya mismo walang side merror yung motor. 


Sa kalsada palaging pairalin natin ang pagpapakumbaba, kung nagkamali man ang kasabayan mo sa kalsada, magtaas ka ng kamay hindi middle finger dahil dyan kadalasan nati-trigger ang road rage. Gusto kung ipatawag ito sa LTO at para mabigyan ng tamang seminar sa paggamit ng kalsada at tamang behavior."