Thursday, May 1, 2025

Former President Rodrigo Duterte, Ibabalik sa Pilipinas?

 


Mayo 1, 2025 — Iginiit ng mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang karapatan ang International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng war on drugs sa Pilipinas matapos ang pormal na pagkalas ng bansa sa nasabing korte noong Marso 17, 2019.

Ayon sa depensa ng kampo ni Duterte, sumali ang Pilipinas sa ICC noong 2011, ngunit ang pagkalas noong 2019 ay nangangahulugang nawala na ang hurisdiksyon ng korte sa bansa.

Pangunahing argumento ng depensa:

  1. Wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas simula nang tuluyang kumalas ang bansa noong 2019.

  2. Ang preliminary examination na isinagawa bago ang withdrawal ay hindi maituturing na isang opisyal na “kaso,” kaya’t hindi ito saklaw ng Article 127(2) ng Rome Statute.

  3. Ang Prosecutor ay hindi mismo ang “Korte,” kaya’t kuwestyunable umano ang legalidad ng mga hakbang na isinagawa ng ICC pagkatapos ng withdrawal ng Pilipinas.

  4. Maling precedent umano ang mga kasong ginamit ng ICC — gaya ng sa Burundi at Abd-Al-Rahman — para igiit ang patuloy nitong hurisdiksyon sa Pilipinas.

Giit ng mga abogado ni Duterte, wala nang karapatang pakialaman ng ICC ang Pilipinas at anumang imbestigasyon matapos ang pagkalas ay walang bisa at labag sa batas.