
Sa bagong pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte, gusto nyang matuloy ang impeachment trial laban sa kanya
Sinabi ni Bise Presidente Sara Duterte na patuloy ang paghahanda ng kanyang mga abogado para sa nalalapit na impeachment trial, at nais niyang ituloy ito dahil gusto raw niyang magkaroon ng “matinding bakbakan.”
“Bilang mga abogado, alam nila kung paano gumawa ng mga legal na hakbang para sa kapakanan ng kanilang mga kliyente. Pero sinabi ko sa kanila, seryoso ako, gusto ko talaga ng trial dahil gusto ko ng isang matinding bakbakan,”
Yan ang naging pahayag ni VP Sara Duterte sa Filipino matapos dumalo sa isang Thanksgiving Mass sa Lungsod ng Davao noong Sabado.
Inaasahan na magbubukas ang Senado bilang impeachment court sa Hunyo 2 upang tanggapin ang mga artikulo ng impeachment na isinampa noong Pebrero 5, ang huling araw ng sesyon bago magsimula ang election period.
Bagamat may limang kaalyado siya sa Senado — sina Bong Go, Ronald Dela Rosa, Rodante Marcoleta, Camille Villar, at Imee Marcos — sinabi ni Duterte na wala siyang inaasahang resulta, maging ito man ay acquittal o guilty verdict, at handa siyang tanggapin anuman ang kalalabasan ng paglilitis.
“Mali na magsimulang magbilang ng boto ngayon dahil hindi pa nila nakikita ang mga ebidensya. Hindi pa nila alam ang mga ilalahad ng mga tagausig, at hindi pa rin nila nakikita ang aming depensa. Kaya mali kung magbibilang na agad ng boto nang hindi pa nasasaksihan ng publiko ang proseso ng paglilitis. Para sa akin, tinatanggap ko na kung ano man ang kahihinatnan ng impeachment trial,” sabi ni VP Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na “maiintindihan” kung sasama sina incoming party-list lawmakers Leila de Lima at Chel Diokno sa House prosecution team para sa nalalapit na impeachment trial, dahil kilala silang matindi ang pagbatikos sa kanilang pamilya.
Nagbitaw rin siya ng patutsada laban kay Manila 3rd District Representative Joel Chua, isa ring miyembro ng prosecution team, na aniya’y nanalo lamang nang bahagya sa kanyang distrito matapos siyang suportahan ni Duterte sa huling bahagi ng kampanya.
“Nagtataka rin ako kung paano nanalo si Congressman Joel Chua — hindi ko alam kung bakit siya nanalo,” sabi ni Duterte, na siya pang nangampanya para sa katunggali nito.
Muling iginiit ni Duterte na ang impeachment laban sa kanya ay isa lamang “glorified disqualification” case, na aniya'y may kinalaman lahat sa darating na halalan sa 2028. Dagdag pa niya, wala pa rin siyang desisyon kung tatakbo siya sa pagka-pangulo.
Sinabi ni Duterte na ang mga nagtutulak ng kanyang impeachment ay mga desperado — “para sa pera, cocaine, at champagne.”
Samantala, pinabulaanan ni House Deputy Speaker David Suarez ang mga alegasyon na may naging political backlash dahil sa impeachment